Gantala Press sa Makiling, part 1

Bilang proyekto ng Gantala Press, isang bagong palimbagan ng at para sa cis at trans na kababaihan, inilunsad ang IKIRAN Workshop Series sa Philippine High School for the Arts (PHSA) kung saan tinalakay ang mga usaping copyright at publishing. Kasabay ng mga talakayang ito ang iba’t iba pang palihan hinggil sa basic photography at creative writing na pinangunahan ng isang miyembro ng Gantala at mga estudyante ng PHSA sa Malikhaing Pagsulat.

Nabigyan ako ng gawaing talakaying ang usaping publishing. Hinati ko ang daloy sa tatlong bahagi. Una, mga depinisyon, proseso at tipo ng publishing sa Pilipinas; pangalawa, mga problemang kinakaharap ng paglilimbag sa bansa; at pangatlo, ang mga karampatang solusyon o alternatibo sa mga problematikong modelo ng pagsasapubliko ng isang akda.

Sa unang bahagi ay nailatag ang mga teknikal na aspekto ng paglalathala kung saan mayroong tatlong aktibo at dinamikong relasyon ang mga agent ng paglilimbag – ang author, ang publisher, at ang publiko. Dito ay binigyang diin ang mediation process ng mga publishers na dinadaanan ng isang akda mula sa artist patungo sa publiko, kung saan ang tungkulin ng publisher ay hindi lamang magprovide ng paunang kapital sa isang akda kundi maging gatekeeper na rin at primaryang taga-hubog ng panlasa ng publiko. Pagkatapos nito ay saka pa lamang uusad sa proseso sa printing, marketing at distribution ng mga akda. Ang author ay makakatanggap ng royalties kapalit ng kaniyang akda at depende pa ito sa kontratang ibibigay sa kaniya ng kaniyang publisher. Lagi’t lagi, mas malaki ang kinikita ng publisher kaysa sa may akda. Ang role naman sng publiko sa ganitong relasyon ay maging source of valuation. Napag-usapan namin na hindi naman lahat ng value ay monetary, ito lamang ang dominante at sistematikong umiiral ngayon. Ang ganitong sistema ay hindi naiiba sa sistemang gallery sa visual arts kung saan ang presyo ng isang artwork ay madalas hinahati sa 50-50 ng gallery at ng artist. Minsan 60-40 pa ito, ang mas maliit na numero ay sa artist, pero sa kaniya rin ang kalakhan, hindi man lahat, ng labor.

Dito makikita natin na may disbalanse sa hatian ng kita sa pagitan ng artist at ng publisher. Klaro ang pagsasamantala ng kapitalista sa manggagawa nito, na naitatawid na natin sa ikalawang bahagi ng panayam. Kaakibat ng ganitong problema ang pagiging capital-driven ng komersiyal na paglilibag bilang isang industriya dahil ang kanila na lamang akdang inililimbag ay iyong marketable – bahala na ang sining!

Tinalakay rin bilang problema ang pagiging kolonyal ng oryentasyon ng ating pagtangkilik sa mga nalimbag na akda. Mas nakikinig tayo kay Taylor Swift halimbawa kaysa sa Asin. O walang tayong ideya kung ano ang uggayam. Sa mamalaking bookshops at bookstores, kitang kita ang disbalanse ng mga akda sa Ingles at Filipino, kung saan syempre mas may mababang regard sa mga akdang nasa wikang Filipino. Mas pinapaboran ng mga malalaking bookstores ang mga librong inangkat sa ibang bansa, at kung hindi man, nakasulat sa wikang kolonyal mula sa kulturang inangkat din. Good luck na lang sa iyong maghanap ng mga librong nakasulat sa wikang vernacular. Nabanggit pa na kahit nais sanang maglunsad ng pag-aaral ng ilang mga iskolar sa mga sining ng Pilipinas, wala namang available na mga akdang nakaturol sa ganitong interes. Madalas nauuwi na lang sa pagbili ng reference materials sa Booksale na madalas sa larangan ng visual arts are maka-kanluranin pa rin.

Sa tuktok ng lahat ng mga payak ngunit kumplikadong mga problemang ito, binigyan ko ng oras ang mga kasama ko sa diskusyon na mag-isip ng kani-kanilang mga alternatibo sa ganitong dominante at mapaniil na praktika ng publishing sa bansa. Sa edad na 11-13, ito ang kanilang mga sagot sa akin, syempre ako na lang ang nagsa-titik pero ganito in essence:

  • Para banggain ang kolonyal na mentalidad sa pagtangkilik sa sining, na madalas ay mga librong tungkol sa romansa o mga paksang eskapista at para lamang sa katuwaan, dapat ang mga akdang ilathala ay tumatalakay sa Pilipinas bilang isang bayan – kasama na ang mga problema nito. Maganda kung bigyang pansin at diin ang mga subjects at themes na nasyunalista at malay sa kasaysayan.
  • Mula sa mga pribadong espasyo kung saan inilulunsad ang kalakhan ng sining, baka maaaring ilunsad ang mga masining na pagtitipon sa mga espasyo kung saan naroroon ang masa o publiko o mas importante, mga pampublikong espasyo. Kasama na nito ang pag-expose sa kanila sa sining kung saan nila makikita ang sarili.
  • Dapat munang bigyang pansin ang kahirapan at kawalang edukasyon bago tuluyang umunlad at yumabong ang sining at kultura ng bansa.
  • Maaaring magkaroon ng aproriasyon sa mga kasalukuyang modang meron na. Halimbawa, hindi naman walang kwenta ang wikang Ingles. Maaari ka pa namang masulat ng nasyunalista sa wikang Ingles at makakatulong ito sa pag-abot ng mga mambabasa sa wikang Ingles.
  • Labas sa paggawa ng sining, dapat ay ikampanya ng mga artista ang kanilang karapatan at interes. Kailangang magbuild ng mas malakas ng komunidad ng artists na tumatanaw sa common good at hindi lamang sa pansariling interes ng pagpapayaman.

Pasensiya na kung sobrang simplified ang pagtatala. Marami pa kaming ibang pinag-usapan lalo na sa indie at online publishing, pero ito na lang muna sa ngayon.

Advertisements

One thought on “Gantala Press sa Makiling, part 1

  1. Reblogged this on Bombard the Headquarters! and commented:
    Mahuhusay na mga mungkahi mula sa mga mag-aaral ng Philippine High School for the Arts. Sa kabila ng nagbabantang mga dag-im ay tunay pa ring pag-asa ng bayan ang mga kabataan. Padayon!

    “Para banggain ang kolonyal na mentalidad sa pagtangkilik sa sining, na madalas ay mga librong tungkol sa romansa o mga paksang eskapista at para lamang sa katuwaan, dapat ang mga akdang ilathala ay tumatalakay sa Pilipinas bilang isang bayan – kasama na ang mga problema nito. Maganda kung bigyang pansin at diin ang mga subjects at themes na nasyunalista at malay sa kasaysayan.”

    “Mula sa mga pribadong espasyo kung saan inilulunsad ang kalakhan ng sining, baka maaaring ilunsad ang mga masining na pagtitipon sa mga espasyo kung saan naroroon ang masa o publiko o mas importante, mga pampublikong espasyo. Kasama na nito ang pag-expose sa kanila sa sining kung saan nila makikita ang sarili.”

    “Dapat munang bigyang pansin ang kahirapan at kawalang edukasyon bago tuluyang umunlad at yumabong ang sining at kultura ng bansa.”

    “Maaaring magkaroon ng aproriasyon sa mga kasalukuyang modang meron na. Halimbawa, hindi naman walang kwenta ang wikang Ingles. Maaari ka pa namang masulat ng nasyunalista sa wikang Ingles at makakatulong ito sa pag-abot ng mga mambabasa sa wikang Ingles.”

    “Labas sa paggawa ng sining, dapat ay ikampanya ng mga artista ang kanilang karapatan at interes. Kailangang magbuild ng mas malakas ng komunidad ng artists na tumatanaw sa common good at hindi lamang sa pansariling interes ng pagpapayaman.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s