02/01/17

by J. G. Dimaranan

 

Rain on the window pane speaks:

being together is safe.

Drop onto another drop,

an endless molecular embrace.

Then a quiet slide of movement,

un-containable yet clear.

 

This is what we have to do

in the next months —

be water from the clouds —

elusive of drought,

keen fugitives of the sky.

Hinggil sa pag-ibig at chess

Sa paglalaro ng chess, alam nating mas mahusay na manlalaro ang siyang hindi kinakailangang pumatay ng maraming kawal, obispo, kabalyero at kabayo sapagkat sapat nang makain ang hari sa ilang galaw lamang. Hindi kailangang magpasabog ng teritoryo o magsaboy ng dugo sa lupa dahil husto nang diretsuhin ang kailangan lamang asintahin.

Para sa mga batang manlalaro, kasiya-siya pang makitang isa-isang namamatay ang mga pyesa ng kaaway, kung paano naghihingalo hanggang matupok ang kabilang palasyo. Makalat itong uri ng labanan, madamdamin, maraming hindi kinakailangan. Ngunit para sa mga sugong mandirigma ng dignidad at paggalang, silang mayroon nang pinagkatandaan, sapat nang matapos ang digmaang malinis din ang kampo ng kalaban. Mga susing tao lamang ang patay at walang inosenteng nadamay. Pagpapakita ito ng pakundangan at pagpipitagan, na hindi kayang ibigay ng mga manlalarong segunda-klase at ungas.

Ganito rin marahil magpunyagi sa pag-ibig.

A July 9, 2015 note

Watwat high. After a night of drinking gin & tapuey & dancing to gongs & drums, I am so happy. I am so happy that not long ago I decided to leave the theater to live & work in the communities of Cordillera. I chose to stay here, because here, the symbolic is stronger — when performance is ritual & ritual is performance. Here, symbol is not crafted into some art that needs deciphering, that needs reading. Here, there is no art & culture is not text. We do not craft a performance that no one else understands, history crafts them, the people crafts them. & when gongs echo louder & louder & laughter spreads like wild fire, in my head I chant in the spirit of Artaud: No more masterpieces!

Longing for simplicity and the ordinary

I finally finished moving to the Big City. Settled here for almost a week now after going up and down and to and fro the Lake City and Mountain City for a whole month, with side a trip to the provinces at the border of Luzon and Visayas. But it still feels like I don’t live here; like I cannot make sense of my place in this space. Of course there is excitement in my heart, a pump of delight every now and then specially when I think of all the books I can read here, and all the talks and lectures I can listen to for free as this city is the center of commerce, of education, or more fittingly, of commercial education. But more than that there is also jadedness as I avoid meeting new people, and a heavy kind of idleness in wanting not to move or go out or do anything except breathe faintly. I just want to stay in my room and read books and not talk to anyone and finish the introduction of a book we’ve been putting together for a year now but have been so slow because of our own principal tasks in life.

The reason for these sluggish choices of mine is because I always get tired when I go out. I still drink heavily but I prefer drinking alone in my room where there is quiet and the only thing loud enough is my own self-hesitant thoughts.

I cannot figure why I get a really hard time getting along with this city. But I think it’s me whose at fault because I’m always unwilling and tired. When I go out of the campus my eyes get tired of all the gigantic advertisements in monotonous repeat and neon colors flashing around names of products I am commanded to buy; my ears get tired of overlapping honks of busses and cars and motorcycles in crazy tones, joined by continuous angry-shouts coming from all direction; my nose gets tired of the concoction of street smell brewing from rotten things and dead rats floating in last month’s rainwater, as I feel the earth’s heavy breathing telling me to hold on because it’s still there; my heart gets tired too, of seeing people beg for food and coins when the size of my pocket is just enough for me to survive. And when I meet new people I am thrown with highly polarized sensibilities pulled by the media, peppered with information of all sorts that recklessly tire my mind. Everyone appears to be competitive peacocks worthy of everyone else’s attention. Everything here seems to be so complicated, that even the need to get a pair of shoes fixed will burn half of the day. Even a soft afternoon walk sounds stupid here.

Ah Big City, I only long for simple and ordinary things. Like a good cup of tea where you spend all your afternoon just having that tea, or a worthy conversation with an old friend about how to grow fishes better. I only want concreteness and clarity in my deeds and I have a hard time getting that here. But thank you, Big City, for making me realize that moving cities is not for the faint-hearted. And I appreciate that you teach me to buckle up a bit. Though I apologize in advance because I learn slow, and this slowness is a goddamn cheat against your fast-paced existence.

Hinggil sa pag-ibig at ilang bote ng beer

Dumiretso kami ni A kung saan kami madalas magnakaw ng saglitang inom sa pagitan ng mga klase namin. Tipikal ang mga ganitong hapon para sa aming dalawa, kapag tapos na parehas ang mga klase o di kaya’y ayaw lang pumasok ng isa. Doon sa lugar na iyon, tulad ng tatlong linggo nang paglipas ng mga hapon, kami nagpatila ng ulan dahil kapuwa walang mga payong. Nasa bukana pa lang kami’y sinenyasan na kami ng kahera. Alam na niya kung anong pakay namin. Agad niyang nilabas ang dalawang malamig na bote ng beer.

Habang nagpapatila ng ulan at nalalango sa kuwento ng isa’t isa, hindi namin naiwasang pag-usapan ang pag-ibig. Bakit nga ba umiibig ang tao? At bakit ito integral sa pagiging tao ng tao? Bakit ang ilang simpleng bagay tulad ng sabon ay maaaring pag-awayan ng magkasintahan hanggang sa magkahiwalayan? Bakit ang ilan ay pumipiling makipagrelasyon sa dalawang tao imbis na sa iisa? Bakit minsan, ang mga magulang ang nagdidikta sa kung sino dapat ang mahalin pagkat ang turing sa mga anak ay investment, atbp. Tumungo ang pag-uusap namin sa paglalatag ng mga batayan ng pagmamahal sa paniniwalang ang pag-ibig ay isang uri ng pagpili; at ang esensyal na pinagkaiba nito mas functional na sipat sa pagkikipagrelasyon upang magkaroon lamang ng mga supling. Ika ko, mahalaga ang pag-ibig bilang pundasyon ng isang relasyon at ito ang madalas makaligtaan ng mga nag-iibigan—ang maglatag ng mga kongkretong batayan kung bakit mahal ng isang tao ang isa pa at kung bakit kailangan pang lumabas ng tao sa kaniyang sarili kahit na walang kasiguraduhan ng pagsalubong sa kaniyang paglabas. Lagpas sa mas romantiko-liberal na mga pahayag ng libre’t malayang pag-ibig, pagmamahal na walang limitasyon at minsa’y walang depinisyon, natunton namin na ang pag-ibig ay walang katapusang pakikipagsalubong, pakikipagbuno sa buhay ng isa pang taong walang kasiguraduhan kung nariyan pa rin kinabukasan.

Sa huling nabanggit, bumalik ako sa aking mga muni-muni apat na taon nang nakalipas, noong mga panahong walang kakapitan ng paniniwala kundi luray na mga damdamin. Naniwala ako noong ang mga tao ay mga partikula ng unibersong autonomous sa isa’t isa. Na ang mga buhay at bagay ay hindi naman talaga magkakaugnay, ito’y umiinog sa walang katapusang kawalan ng katuturan at kaguluhan kung kaya ang pag-ibig ay isang kahunghangan. Dalawang taon ang nakalipas, itinapon kong lahat ng mga muni-muning ito pagkat binuo na sa sarili ang tapang ng paninindigan laban sa kawalan ng kahulugan. Kung ang pag-ibig ay walang saysay, ito na marahil ang pinakamasarap na kawalan ng saysay.

Pagkatapos ng tatlong bote’y napunta na ang usapan kay Zizek, bagaman internal pa ring nakatanikala sa lasing na usapang pag-ibig. Nabanggit ko kay A na ang pag-ibig ay isang “event” ayon kay Zizek. Ayon sa kaniya, An event can be an occurrence that shatters ordinary life, a radical political rupture, a transformation of reality, a religious belief, the rise of a new art form, or an intense experience such as falling in love. May katotohanan sa mga salitang ito, ngunit hindi ako kumbinsidong ang pag-ibig ay nagsisimula at natatapos sa pagiging event. Taliwas sa sinasabi ni Zizek kung saan tila walang ahensiya ang isang indibidwal sa pwersa ng event, aking binigyang diin at binalikan ang pag-ibig bilang ultimatong pagpili pa rin, dahil ang “falling in love” ay walang praktikalidad at masyadong lutang bilang kaisipan. Oo, ito ay radikal na pagbabago sa isang kaayusan ngunit ang atraksyon sa kapuwa ay tatagal lamang ng ilang taon, buwan, araw o segundo sa ilan kung wala itong mga batayan. At lumabas na nga ang espirito ng alak sa aking dila, sinabi nitong ang pagpili sa patuloy na pag-ibig ay isang aktong politikal. Ito ay paggigiit sa espasyong di pansarili lamang, ito ang pinakapayak na pakikialam sa polis ng isang lipunan. Nasa event ang kadalisayan ng encounter, ngunit pagkatapos ng event mapapatunayan ang katotohanan ng pag-ibig. Kumbaga, nasa kanlungan ng after party ang tunay na pag-ibig kung saan pumipili tayong magmahal araw-araw kahit pa, tulad ng nasabi na, walang kasiguraduhan kung iniibig at iibig pa rin ba kinabukasan. Dito marahil kumakandirit ang kiliti ng pag-ibig sa pang-araw-araw, kung saan namamayani ang kalooban nasa huwisyo man o lango sa kalasingan.

Mga byahe ng isip

Bukod sa madalas magsulat nitong mga nakaraang araw tuwing gabi, dahil ang umaga ay iginugugol upang isabay sa pagkilos ng sistemang nais itulak, madalas akong di nakakatulog sa tamang oras. Anu pa man, may isa pang bumabagabag sa akin, itong kagustuhang bumyahe sa mga karatig bansa ispesipiko sa timog-silangan ng rehiyon.

Una akong lumabas ng bansa noong 2007 patungong Hong Kong, pinakamalayong naabot ko tungong silangan ng Asya, pinaka-timog din ng silangan. Nagtanghal ng korning palabas, tumakas sa kumperensiya at nag-inom kahit menor de edad pa. 2009 na ang sumunod papuntang Singapore, isa sa mga nangunguna sa karera ng  Timog Silangang Asya, para sa isang exchange program sa Singapore School of the Arts. Bata pa ako noon at di ko pa masyadong naintidihan na binhi iyon ng ASEAN integration sa bahagi ng mga batang iskolar ng arte’t literatura. Mas tumatak sa akin iyong durian creme puff na mabaho pero masarap.

Noong bumalik ako doon noong 2013, medyo mas may kuwenta na akong mag-isip, ganun pa rin yung mga usap-usapan nila sa art. Naghahanap pa rin ng “genuine” at “national” practice habang dine-deny ang rasismo at pangunguna ng makauring interes. Common themes pa rin sa Gillman Barracks, halimbawa, ang mga imahen ng dekolonisasyon, cultural hybridity, at kagustuhan ng mga artist na umatras sa gubat dahil sa kawalan ng identidad ng globalisadong syudad.

Nitong nakaraang 2015, sa Malaysia naman ako napadpad. Di gaya ng Hong Kong at Singapore na relatibong maliliit na tipak ng lupang naiikot ng mahigit 3 oras, nakapunta ako sa dalawang rehiyon ng Malaysia. Isa sa sentrong syudad ng Kuala Lumpur, at isa sa Kuching, Sarawak na parang Cebu nila kung ikukumpara sa laki, pulitikal na impluwensiya at init dito sa Pilipinas. Dumalo naman ako doon ng kumperensiya ng mga katutubo para iparating ang sitwasyon ng mga katutubong kabataan sa Pilipinas.

At ito nga, ngayong 2016, gusto kong bagtasin itong Cambodia at Thailand. Una sa Siem Reap, upang makita ang mga templo at bumili ng mga libro; tapos ay sa Bangkok. Sa gitna ng dalawang byahe, baka balikan ang mga kaibigan sa Kuala Lumpur dahil may ilang oras na pagitan bago ang mga connecting flights. Sa pagkakataong ito, gusto ko lang bumyahe ng walang gagawin kundi bumyahe, at maging selebrasyon ang pagbyahe sa nalalapit na kaarawan. Pero noong kinompyut ko ang magagastos e natawa na lang ako dahil halos isang buong sem ko na ito sa Diliman kung sakaling mag-MA ako doon.

Iniisip kong ring ipagpaliban ito hanggang next year, sa panahong minamarkahang “quarter life” ng marami, at hagipin na rin ang mga bansang plano ring bisitahin tulad ng India at Vietnam para damhin sa mga kalsada’t poste, pakinggan sa garalgal ng naalimpungatang syudad sa umaga, at amuyin sa hanging lumipas at paparating, ang mapupula nilang kasaysayan.

May mga tinging di lumilingon pabalik

May kaunting pikon sa mga artikulo, sanaysay atbp. na nagsisimula sa “palagay ko”, “sa tingin ko”, “iniisip ko.” Meron pa bang kayang pumalagay, tumingin, mag-isip para sa iyo bukod sa iyo? Repleksyon ito ng mga egoistikong manunulat. Habang malakas na ngang maka-laki ng ulo ang pag-susulat ng reflective dahil pino-proseso ang mundo, madalas ring makulong ang manunulat sa pananalamin, kahat na kahat makita ang sarili sa sariling salita. Nakakatamad magbasa ng mga sulating may ganitong panimula.

They all said it right

Rimbaud said it right:

If I have any taste,
it is for hardly anything
but earth and stones.

Celan said it right:

It is the weight holding back the void
that would
accompany you.
Like you, it has no name. Perhaps
you two are one and the same. Perhaps
one day you also will call
me so.

Mandelstam said it right:

They stood on the uncomfortable ground
too, as on a donkey’s spine.
No word is better than another word,
the earth honks with metaphor.
Air kneaded thick as earth-
you can’t leave it, and it’s hard to get in.

They all said it right, and I’m afraid I can only say the wrong thing. I don’t want to bore you with my troubles but most times one operates according to an essential insufficiency of self for self.