May kaunting pikon sa mga artikulo, sanaysay atbp. na nagsisimula sa “palagay ko”, “sa tingin ko”, “iniisip ko.” Meron pa bang kayang pumalagay, tumingin, mag-isip para sa iyo bukod sa iyo? Repleksyon ito ng mga egoistikong manunulat. Habang malakas na ngang maka-laki ng ulo ang pag-susulat ng reflective dahil pino-proseso ang mundo, madalas ring makulong ang manunulat sa pananalamin, kahat na kahat makita ang sarili sa sariling salita. Nakakatamad magbasa ng mga sulating may ganitong panimula.